Pagsubok

Ikaw ang sandatang aking kailangan
Sa mapaggaping daanan
'Wag kang lilisan, oh, aking kaibigan
Gabay sa kabutihan (ugh)

Masdan mo ang mga taong lumilibot sa mundo
Lahat ng 'yan, hindi tugma at hindi gagabay sa 'yo
Sa mga pangarap mo na matagal nang pinaplano
At ang nais mong makuhang nagmula sa entablado

'Wag kang magtiwala sa nasisilayan ng mata
'Wag kang makikinig sa sinasabi-sabi ng iba
'Di lang 'yan ang paraan upang malampasan mo na
Ang lahat ng mga hirap na iyong dinadala

Dahil hindi madali 'pag hinihila ka nila pababa
Sa mga ayaw na ayaw na ayaw mong makita
Unti-unti kang nasisira, 'di ba?
Kaya muli ka nang bumangon para

Makita mo ang mga dumi sa buhay mo
Kung sino ang tunay na sumisira sa pangarap mo
Ikaw ba o mga taong nakabalot sa iyo?
Naaalala mo pa ba ang magagandang nais mo?

Ikaw ang sandatang aking kailangan
Sa mapaggaping daanan
'Wag kang lilisan, oh, aking kaibigan
Gabay sa kabutihan

Mahirap ang mangarap dito sa ating mundo
Dahil sa bawat kilos mo, may taong huhusga sa 'yo
'Di malaman kung sa'n ba dapat tumungo
Dahil ang pagmamahal sa gusto'y lumalabo

Kaya lubusan ang pagtikom ng aking bibig
Kahit na marami na'ng gustong ipahiwatig
Matuto kang bumangon gamit 'yong mga paa
'Di lahat ng bagay iaasa sa iba

Gumamit ka ng paraang ikaw lang ang nakakaalam
'Yung walang makikisama at mangingialam
Paraan para lamang nang iyong makamtan
Ang pagsubok at tagumpay sa gustong mapuntahan

Ikaw ang sandatang aking kailangan
Sa mapaggaping daanan
'Wag kang lilisan, oh, aking kaibigan
Gabay sa kabutihan



Credits
Writer(s): Joshua Feliciano
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link