Nasa Dulo

Ka-i-lang-an mo na bang umalis?
O Kay bilis naman
'Wag ka munang magmadali
Dahan-dahan lang

Sigurado kana ba na wala ng natitira?
Palagi mo lang tandaan na kapag ika'y nasaktan
Sa mga palad ng iba
Isang lingon mo lang

Sa dulo ng daan
Sa dulo ng walang hanggan
Meron kang pupuntahan

Kaya ko bang ibalik
Ang mga halik na nakasanayan

Sa dulo ng kadulo-duluhan
Pagkatapos ng katapos-tapusan

Sigurado kana ba na wala ng natitira
Lagi mo lang tandaan kapag ika'y nasaktan
Sa mga palad ng iba
Isang lingon mo lang

Sa dulo ng daan
Sa dulo ng walang hanggan
Meron kang pupuntahan
Isang tawag mo
Isang sigaw sa pangalan ko
Iyong makikita nasa dulo ako
Naghihintay sayo
(Naghihintay sayo)
Naghihintay sayo
(Naghihintay sayo)
Naghihintay sayo
(Naghihintay, naghihintay, naghihintay sayo)
Naghihintay sayo



Credits
Writer(s): Joshua Jacober, Louie Pedroso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link