Ikaw Lang Sapat Na

Nagsimula sa aking pusong humihiling
At no'ng ika'y nakita, 'di makapaniwala
At no'ng nakilala, ayaw na kitang mawala
Oh, alam mo ba? Gusto kong sabihin na

Gusto kitang makasama sa habang-buhay
Pero kailangan munang maghinay-hinay
Kahit araw ko'y malungkot, kahit puso ko'y kumikirot
'Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal

Ikaw lang, sapat na
Ikaw lang, sapat na
Oh, kahit araw ko'y malungkot, kahit puso ko'y kumikirot
'Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal
Ikaw lang, sapat na

No'ng ika'y nanligaw, puso ko'y biglang napukaw
Sinabayan mo pa ng boses mong nakakatunaw
At lumapit ka, biglang 'di nakapagsalita
Oh, konti na lang, sasagutin na kita

Gusto kitang makasama sa habang-buhay
Pero kailangan munang maghinay-hinay
Kahit araw ko'y malungkot, kahit puso ko'y kumikirot
'Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal
Ikaw lang, sapat na

Kapag hawak ko na ang 'yong mga kamay
Hindi na kita papakawalan
Ito'y tandaan (ito'y tandaan)

Gusto kitang makasama sa habang-buhay
Pero kailangan munang maghinay-hinay
Kahit araw ko'y malungkot, kahit puso ko'y kumikirot
'Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal

Ikaw lang, sapat na (ikaw lang, sapat na)
Ikaw lang, sapat na (ikaw lang, sapat na)
Oh, dahil kahit araw ko'y malungkot, kahit puso ko'y kumikirot
'Di ko kailangan ng gamot, dahil, aking mahal
Ikaw lang, sapat na



Credits
Writer(s): Mariestella C Racal
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link