Pansamantala

Naglakbay sa kawalan
Para lamang maghanap
Ng isang-libong dahilan
Nang muling mapatunayan
Na dibdib ko'y kaya pang
Tumibok, makaramdam

Pilit mang sumabay
Sa agos nang iyong paglakbay
Tinig mong tanging gabay
Nalunod sa mundong kay ingay

Diwa'y di makabangon sa kama
Kay bigat ng yong ala-ala
Tibok ng puso'y di makakilala
Pansamantala, pati paghinga'y isinantabi muna

Bigyan ng kahulugan
Samu't-saring dahilan mong
Walang katuturan
Hindi ko maintindihan
Bakit sumuko ng biglaan
Di ka man lang nanlaban

Pilit mang sumabay
Sa agos nang iyong paglakbay
Tinig mong tanging gabay
Nalunod sa mundong kay ingay

Diwa'y di makabangon sa kama
Kay bigat ng yong ala-ala
Tibok ng puso'y di makakilala
Pansamantala, pati paghinga'y isinantabi muna



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link