Walang Ibang Sadya

Aanhin ang mata kung walang mapagmasdang
Sayaw sa indayog ng talahiban
Aanhin ang tenga kung hindi mapakinggan
Ang awit ng hangin sa punongkahoy

Aanhin ang labi kung 'di madampian
Ng ulan o 'di kaya'y mahagkan ng ilog
Pagmasdan, pakinggan, lasapin ang mundo
Walang ibang sadya ang ayos nito

Bulaklak sa paanan, naghihintay ng pansin
Ano ba ang buhay n'ya kung 'di mo langhapin?
Ang bato sa batis, kinis n'ya'y masasayang
Kung 'di mo mahaplos ang pisngi n'yang alay

Anhin pa ang balat kung 'di maramdaman
Ang lambing ng araw at ang sariwang simoy
Langhapin, haplusin, pansinin ang mundo
Walang ibang sadya ang ayos nito

Gano'n din ang tao nang siya'y mahalin
Ang tanging pangarap, tanging katuparan



Credits
Writer(s): Jose Ayala
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link