Pangako

Ayy

Pangako sa 'yo, mahati man ang mundo't magkahiwalay tayo
Gagawan ko ng tulay para magkita tayo
Pangako sa 'yo, dumaan man ang bagyo para guluhin tayo
Hinding-hindi tatangayin ng hangin ang pag-ibig ko

Lilipad tayo sa kalawakan
Iiwan na natin ang mundo
Makikipagsayawan sa mga tala
Basta't may ikaw at ako ay sa 'yo

Ang pag-ibig ko (ang pag-ibig ko)
At ang pag-ibig mo (pag-ibig mo)
Pinagtugma ng langit para sa atin
Pangako lahat bibigay sa 'yo
Pangako ko sa 'yo (pangako sa 'yo)
Pangako ko sa 'yo (pangako sa 'yo)

Dahil sa 'yo, ako'y naging matapang at lumalaban
Kahit na ano'ng harapin, kaya nang dahil sa 'yo
Para sa 'yo, balutin man ang mundo ng kadiliman
Ang magsisilbing ilaw ay ang pag-ibig ko sa 'yo

Lilipad tayo sa kalawakan
Iiwan na natin ang mundo
Makikipagsayawan sa mga tala
Basta't may ikaw at ako ay sa 'yo

Ang pag-ibig ko (ang pag-ibig ko)
At ang pag-ibig mo (pag-ibig mo)
Pinagtugma ng langit para sa atin
Pangako lahat bibigay sa 'yo

Pangako ko sa 'yo (pangako sa 'yo)
Pangako ko sa'yo (pangako sa 'yo)
'Di ka iiwan, 'di bibitawan
Panghabang-buhay na pagmamahal

Lilipad tayo sa kalawakan
Iiwan na natin ang mundo
Makikipagsayawan sa mga tala
Basta't may ikaw at ako ay sa 'yo

Lilipad tayo sa kalawakan (oh)
Iiwan na natin ang mundo (iwan na natin ang mundo)
Makikipagsayawan sa mga tala
Basta't may ikaw at ako ay sa 'yo

Ang pag-ibig ko (ang pag-ibig ko)
At ang pag-ibig mo (pag-ibig mo)
Pinagtugma ng langit para sa atin
Pangako lahat bibigay sa 'yo

Pangako ko sa 'yo (pangako ko sa 'yo)
Pangako ko sa'yo (pangako ko sa 'yo)
Pangako ko sa 'yo (pangako sa 'yo)
Pangako ko sa 'yo (pangako sa 'yo)



Credits
Writer(s): Michael Gabriel Tagadtad
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link