Isang Gabi

Isang gabi pa lamang tayong nagkakasama
Isang gabi ngunit para bang kay rami nang buwan ang nakalipas
Isang halik mo lamang sa mga labi kong sabik
Isang halik, sapat na para mahuli ko ang 'yong kiliti

Sa pag-uwi, hindi pa rin malimot ang 'yong mga ngiti
Hindi na makatulog parang kalul'wang 'di matahimik
Naghihintay ng bukas

Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa 'ting muling pagkikita
Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa 'ting muling pagkikita

Isang mukha na buhay sa aking alaala
Isang paglimot na 'di ko magagawa
Isang kahapon na para bang isang panaginip
Isang kahapon, sana'y maulit muli, oh-oh

Sa pag-uwi, hindi pa rin malimot ang 'yong mga ngiti
Hindi na makatulog parang kalul'wang 'di matahimik
Naghihintay ng bukas

Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa 'ting muling pagkikita
Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa 'ting muling pagkikita

Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa 'ting muling pagkikita
Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa 'ting muling pagkikita



Credits
Writer(s): Clemen Castro Castro, Marco Fundales
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link