Di Na Mag-Iisa (Theme Song From "Darna")

Kapag ako'y nag iisa
May'rong gumugulo sa aking isipan
Alam kong tayo'y nag mamahalan
Ngunit bakit ganito, di ma ipaliwanag
Hawakan ang aking mga kamay
Bigyan ng kulay ang aking buhay

Mahal ayoko pang lumisan
Dito lamang ako, dito sa tabi mo
Ngunit kailangan kong gawin to
'Di dahil nais ko, sana'y unawain mo

Hawakan mong aking mga kamay
Bigyan ng kulay ang aking buhay
At wag kang bibitaw, wag kang hihiwalay
Ika'y aking lakas pag ibig na
Ito'y sadyang wagas

Ano kaya itong pag subok na dapat kong dalhin
At dapat kong tanggapin
Mahal sa'king paglalakbay ako'y nalulungkot
Kailangan bang mawalay?

Hawakan mong aking mga kamay
Bigyan ng kulay ang aking buhay
Habang pasan ko ang daigding
Pag ibig mo'y mananaig
At balang araw tayong dalawa'y mag sasama (di na mag iisa)

Ika'y kapiling na 'di na mag iisa
'Di na mag iisa
'Di na mag iisa



Credits
Writer(s): Jay Oliver Durias, Sharon S Inductivo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link