Alon

Ayoko nang mapagod, mga lumipas na alaala
Hampas ng alon sa ilalim ng mga tala
Dinadalang pasakit, mga luhang 'di maubos
Dumadaloy, bumabalik
Walang humpay na umaagos

Nangangamba, nagtatanong
Hindi alam kung sa'n hahantong
Nag-aalala, natatakot
Paulit-ulit, paikot-ikot

Anino ng kahapon, pinipilit na umiwas
Hindi matupok ang puso kong nag-aalab
Oh, kay bilis ng panahon, isang iglap, isang taon
Tumatakbo ang bawat saglit
Parang ang buwan at araw sa langit

Nangangamba, nagtatanong
Hindi alam kung sa'n hahantong
Nag-aalala, natatakot
Paulit-ulit, paikot-ikot

Nangangamba, nagtatanong
Hindi alam kung sa'n hahantong
Nag-aalala, natatakot
Paulit-ulit, paikot-ikot
Paulit-ulit, paikot-ikot
Paulit-ulit, paikot-ikot

Oh, kay bilis ng panahon, isang iglap, isang taon
Tumatakbo ang bawat saglit



Credits
Writer(s): Melanie Martinez
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link