Isang Gabi

Isang gabi
Pa lamang tayong nagkakasama
Isang gabi
Ngunit para bang kay rami ng buwan
Ang nakalipas

Isang halik
Mo lamang sa mga labi kong sabik
Isang halik
Sapat na para mahuli ko ang 'yong
Kiliti

Sa pag-uwi, 'di pa rin malimot
Ang 'yong mga ngiti
'Di na makatulog
Parang kaluluwang 'di matahimik
Naghihintay ng bukas

Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa'ting muling pagkikita
Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa'ting muling pagkikita

Isang mukha
Na buhay sa aking alaala
Isang paglimot
Na 'di ko magagawa
Isang kahapon
Na para bang isang panaginip
Isang kahapon
Sana'y maulit muli

Sa pag-uwi, hindi pa rin malimot
Ang 'yong mga ngiti
Hindi na makatulog
Parang kaluluwang 'di matahimik
Naghihintay ng bukas

Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa'ting muling pagkikita
Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa'ting muling pagkikita

Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa'ting muling pagkikita
Dahil sa isang gabing kapiling ka
Ako ngayo'y naiinip sa'ting muling pagkikita



Credits
Writer(s): Clemen Castro Castro, Marco Fundales
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link