Hindi Ka Nyan Mahal

Para kang malayo, para kang susuko
Lagi na lang away at gulo
Sa 'kin dederetso, hihingi ng payo
Matigas kasi 'yang ulo mo

Ilang beses ko nang ginuguhit
Ang mukha mo na nasasaktan
'Di mo ba nakikita sa linya na
Hindi ka niyan mahal

Ayaw mong amining hindi ka niyan mahal
Tinatakpan mo lang ang punit
Ayaw mong amining hindi siya kawalan
Tinatakpan mo lang ang punit

Hindi ka niyan mahal
Hindi ka niyan mahal

Nasa hugis ng ngiti mo ang naipong tampo
Luho sa inyo'ng magkasundo
Gusto mo siya pero 'di ka sigurado
Siya ba talaga'ng para sa 'yo?

Kabisado ko ang mga lukot ng palad mo
'Pag nagdaramdam
Masaya naman 'yan no'ng hawak ko dati
Bago nagpaalam

Ayaw mong amining hindi ka niyan mahal
Tinatakpan mo lang ang punit
Ayaw mong amining hindi magtatagal
Tinatakpan mo lang ang punit

Hindi ka niyan mahal (hindi ka niyan mahal)
Hindi ka niyan mahal (hindi ka niyan mahal)

Nasa dulo ng ngiti mo ang pagsusumamo
Hindi nakuntento
Hihingi kang payo, bumalik ka na lang dito
Iguguhit ko muli
Hindi ka niyan mahal
Ang kumupas nating litrato
Hindi ka niyan mahal

Gusto mo siya pero 'di ka sigurado
Siya ba talaga'ng para sa 'yo?

Ayaw mong amining hindi ka niyan mahal
Tinatakpan mo lang ang punit
Ayaw mong amining hindi siya kawalan
Tinatakpan mo lang ang punit

Hindi ka niyan mahal
Hindi ka niyan mahal
Hindi ka niyan mahal
Hindi ka niyan mahal

Oh-oh-oh-oh
Kung buburahin ko ang isang sandali
Oh-oh-oh-oh
Iguguhit ko tayo nang nagsisimulang ulit
Oh-oh-oh-oh, oh-oh
Hindi ka niyan mahal
Oh-oh-oh-oh, oh-oh
Hindi ka niyan mahal



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link