Dyaryo't Kape

Dyaryo't kape sa umaga
Ano ang tsismis? Sino'ng nag-asawa?
Parang konsiyerto ang mga huni ng ibon
Sumasabay sa ingay ng TV nang naka-on

Novena't kandila, nakapatong sa altar
Tanong ng aking ina, "Ba't 'di ka na nagdarasal?"
Hindi niya alam na ikaw ang nasa isip
At dahil nga sa iyo ako'y natutong manalangin muli

Espesyal ang turing ko sa iyo
Mahalaga ka sa aking puso
Dahil sa iyo lamang makikita ang tunay
Dahil sa iyo ang puso ko ay buhay

Trapik at init sa highway na masikip
Saligutgot, t-shirt ko'y basa't gusot
Sa gitna ng prusisyon ng mga bus at jeepney
Ikaw pa rin ang nasa isip
Ikaw ang aking naiisip

Espesyal ang turing ko sa iyo (espesyal)
Mahalaga ka sa aking puso (mahalaga)
Dahil sa iyo lamang makikita ang tunay
Dahil sa iyo ang puso ko ay buhay

Beer at pulutan, nakatambay sa gimikan
Mga kwento ng barkada, hindi ko maintindihan
Nakatitig lang ako sa aking telepono
Hangad ko sana'y okay ka at iniisip din ako

Espesyal ang turing ko sa iyo (espesyal)
Mahalaga ka sa aking puso (mahalaga)
Dahil sa iyo lamang makikita ang tunay
Dahil sa iyo ang puso ko ay buhay

Oh-hooh, oh-hoh



Credits
Writer(s): Medwin Marfil
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link