Walang Sumbat
Hinawakan ni Andres Bonifacio ang bolo
Para bigyang laya ang nasakop ng bansa
Itinaas ni Rizal ang kanyang pluma para isulat ang lahat
ng aklat na maaaring gumising sa minsang nasakop ng bansa
Hinawakan ni Tandang Sora ang kamay ng mga sundalong sugatan
Para iparamdam kung gaano nya sila kamahal
At oo hinawakan nya ang mga kamay nato para bitawan
Sinamahan niya ko para lang iwanan
Pinasaya para maging malungkot
Niyakap para meron din syang maitulak papalayo
Minahal niya ang buo kung pagkatao
Para wasakin ng bawat parte nito
At paano mo sa akin sasabihin na meron akong hinuhugot
Kung patuloy pa rin akong nagdurugo
Kung ang iniwan niyang mga salita
Ay nanatili pa ring nakapunla dito
Dalawang salita
Petong letra
Ayoko na
Hindi bat napaka daling sabihin ang salitang ito
Kesa sa pagbigkas mo sa alpabeto at
Bakit nga ba napakadali sa mga tao ang bumitaw?
Oo alam kong madali ang umakyat sa hagdan Katulad sa pagbaba
Eto na lamang ay iyong katatamaran
Pero ganito na nga lang ba ang pagmamahal?
Na kapag napagod ay bababa nalang
Ganito na nga lang ba,
ang kahulugan ng pagmamahal na kapag
tinatamad ka na ay titigil at hihingi ka ng pahinga
Ganito na nga lang ba ang kahulugan ng pagmamahal na kapag nawala na
Ang elemento ng surpresa at ng tamis sa una ninyong pagsasama ay para
kang langgam na maghahanap ng
panibagong tamis at tsaka maglalakbay paalis
Masyado tayong nagtitiwala sa kung paano ang mga simpleng bato
Ay naging matitibay na simento
Ito ay ang mga pangako
Ito ang pundasyon ng bahay na minsang iginuhit mo pero hanggang
ngayon ni kulay berde na dapat ay nasa
damo ng bakuran ay wala pa rin akong naaaninag
At dahil sa gusto nyo ng pagbabalik tanaw
Bumalik nanaman tayo sa kwento ng katamaran ng pagkapagod at pagkasawa
Utang na loob
Ang taong tunay na nagmamahal ay hindi dapat tinatamad
Hindi ka lang rito gumagawa ng takdang aralin
Hindi ito larong tuguan na kapag napagod ay hihingi ka ng pahinga
Ang pagibig ay ang mismong pahinga
Ito ang masarap hanapin sa larong taguan
Ito ang solusyon sa lahat ng mahirap na gawain
Dapat ganito mo nakikita ang pagibig
Kasi dapat hindi ikaw yung nagmamahal lang
Dapat ikaw yung tunay na nagmamahal
Dapat may basehan
Dapat laging may katibayan at ito
ang mahirap sa pagiging isang manunulat
Dahil hindi bat masyado tayong
nagtitiwala sa kung paanong nabubuo ang mga salita
Masyado tayong nagtitiwa sa kung paano mo nabubuo ang salita
Sa bawat mabulaklak nilang pananalita at masyado akong nagtiwala
Na hindi ko man lang namalayan na hindi pala
kamay ang minsan kong kinapitan kundi hangin
Na hindi marunong manatili at lilisan
Oo mo maaring bitawan ang mga bagay na hindi mo hawak
Pero dapat yung mga bagay na hawak mo na
Ay hindi mo na dapat binibitawan pa
At katulad ni Andres Bonifacio hawak ang kanyang bolo
Ni Rizal na hawak ang kanyang pluma
At ni Tandang Sora na hawak ang mga kamay ng mga sundalong sugatan
Ang kamay na to
Ay hindi ginawa para bitawan lang
Kaya kung naghahanap ka ng panandaliang pagkapit
Wag ako
Iba nalang

Credits
Writer(s): Hannah Pauline Pabilonia
Lyrics powered by www.musixmatch.com
Link
© 2024 All rights reserved. Rockol.com S.r.l. Website image policy
Rockol
- Rockol only uses images and photos made available for promotional purposes (“for press use”) by record companies, artist managements and p.r. agencies.
- Said images are used to exert a right to report and a finality of the criticism, in a degraded mode compliant to copyright laws, and exclusively inclosed in our own informative content.
- Only non-exclusive images addressed to newspaper use and, in general, copyright-free are accepted.
- Live photos are published when licensed by photographers whose copyright is quoted.
- Rockol is available to pay the right holder a fair fee should a published image’s author be unknown at the time of publishing.
Feedback
Please immediately report the presence of images possibly not compliant with the above cases so as to quickly verify an improper use: where confirmed, we would immediately proceed to their removal.