Ngayong Wala Ka Na (Theme Song From "Bakekang")

Bakit 'pag naririyan, 'di mo pansin?
'Di mo hinahanap, parang balewala
Bakit kung kailan wala na ang lahat
Saka hinahagkan? Sana'y nagtagal

Paano nga kayang ibabalik muli
Ang bawat sandaling nandito pa kung ano'ng mahalaga?

Sana ay bukas pa ang ating kahapon
Sana ay ramdam ko pa ang yakap mo, sinta
Hindi sana nasasaktan, hindi sana nanghihinayang
Ngayong wala na ang lahat sa buhay ko

Bakit buhay minsan ay anong ganda?
May nagmamahal sa 'yo, at nagmamahal ka pa
Ngunit sa isang iglap, nawawala
Naiiba'ng takbo, lahat naglalaho

Paano nga kayang ibabalik muli
Ang bawat sandaling nandito pa ang ating nadarama?

Sana ay bukas pa ang ating kahapon
Sana ay ramdam ko pa ang yakap mo, sinta
Hindi sana nasasaktan, hindi sana nanghihinayang
Ngayong wala ka na dito sa buhay ko

Sana ay bukas pa ang ating kahapon
Sana ay ramdam ko pa ang yakap mo sinta
Hindi sana nasasaktan, hindi sana nanghihinayang
Ngayong wala ka na dito sa buhay ko



Credits
Writer(s): Sherwin Castillo, Manuel Betita
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link