Sa Dulo

Ang nakalipas, 'di na binalikan
Mula nang ang puso'y labis na nasaktan
Naghilom lubusan no'ng nanahimik lang
Ngunit ano itong naririnig ko na naman?

'Di nawawala, 'di naaalis sa isipan ko
'Di nawawala, 'di naaalis, pag-ibig sa 'yo
Kahit kay tagal, walang kapalit ang katulad mo
'Di ba, tadhana ito? Bakit bumabalik sa 'yo?

Sa dulo, sana tayo pa rin (sana tayo pa rin)
Nananalig at 'di mamadaliin
Dahil kung para sa 'tin, do'n tayo dadalhin
At kung 'di man mawala at 'di maalis
'Di mo man alam, ika'y iibigin

('Di nawawala, 'di naaalis) hmm
('Di nawawala, 'di naaalis)

('Di nawawala, 'di naaalis) oh-oh-whoa
('Di nawawala, 'di naaalis) pag-ibig sa 'yo

Kahit kay tagal, walang kapalit ang katulad mo
At kung 'di man mawala at 'di maalis
'Di mo man alam, ika'y iibigin

Credits
Writer(s): Ann Margaret Figueroa
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link