Saluhin

Huwag ka nang mangangamba
'Di ako 'yung tipong hanggang salita
Mundo mo'y mahalaga
At nais ko ay makitira

Kung sakaling sinira ka dati ng walang kwentang lalaki
'Di babalik ang nakaraan kapag ika'y sa akin
Sana'y maramdaman mo
Na ito ay totoo

Tatahakin ang malumbay na daan
Upang saya ay daling makamtam
Huwag kang makikinig sa kanila
Ako ay nangingibabaw sa iba

Kaya hayaan mo, nakikita ko
Lahat ng pirasong pagkukulang mo
Ika'y buong-buo para sa 'kin
Ang puso mo'y aking sasaluhin

'Di ka pa ba napapagod
Na humandusay diyan sa lungkot
'Di ka karapatdapat na sinasaktan
Puso mo ay hindi dapat nahihirapan

Paghihinagpis mo ay lilipas din
Pagkakataong ito'y para sa 'tin
Lahat ng gusto mo ay aking gagawin
Buwan ma'y abutin, bituin ma'y sapitin para sa 'yo
Para sa 'yo, para sa 'yo

Kung sakaling sinira ka dati ng walang kwentang lalaki
'Di babalik ang nakaraan kapag ika'y sa akin
Sana'y maramdaman mo
Na ito ay totoo

Tatahakin ang malumbay na daan
Upang saya ay daling makamtam
Huwag kang makikinig sa kanila
Ako ay nangingibabaw sa iba
Kaya hayaan mo, nakikita ko

Lahat ng pirasong pagkukulang mo
Ika'y buong-buo para sa 'kin
Ang puso mo'y aking sasaluhin, sasaluhin
Ang puso mo'y sasaluhin, sasaluhin



Credits
Writer(s): Nicole Macapagal
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link