Pauwi Nako

Flip-D on the beat
Panty Droppaz League

Hey, miss na kita, baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na 'di ka na maghihintay at ('di na)
Hindi ka na malulungkot, malapit na 'ko

Baby, pauwi na 'ko (ako'y pauwi na)
Baby, pauwi na 'ko (miss na miss na kita)
Baby, pauwi na 'ko (ako'y uuwi na)
Hey, hindi ka na malulungkot, malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko

Ayaw kong makita sa mga mata mo na nalulungkot ka
Kaya gumawa na ako ng paraan
Upang mapawi ang kalungkutan
Kaysa naman lagi kang nagkakaganyan
Ayoko naman na ikaw ay masaktan
Ramdam ko ang pakiramdam ng nahihirapan
Kaya naman, ayaw ko nang iparamdam sa 'yo (whoo)

Malapit na ako
Konting oras na lang ay magsasama na tayo
Malapit na ako diyan sa tabi mo
Konting tiis na lang, mahal, mawawala na ang iyong lungkot

Sobrang saya na makakasama ka nang muli
Sa tagal nating hindi nagkita
Hinding-hindi na 'ko aalis sa tabi mo
Pangako, 'di ka na mag-iisa, pauwi na 'ko

Hey, miss na kita, baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na 'di ka na maghihintay at ('di na)
Hindi ka na malulungkot, malapit na 'ko

Baby, pauwi na 'ko (ako'y pauwi na)
Baby, pauwi na 'ko (miss na miss na kita)
Baby, pauwi na 'ko (ako'y uuwi na)
Hey, hindi ka na malulungkot, malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko

Pauwi na 'ko, puwede ba 'wag ka na sa 'kin magtampo?
Dala-dala ko na ang kailangan mo
Miss na kita, ano ba kasalanan ko?
Gusto na kita makita, 'wag ka na sa 'kin magalit
Kasi baka lalo kang pumangit
Pero kahit na magalit nang magalit
Sa 'yo pa rin ako uuwi, hindi nila ako maaakit (whoo)

Bakit ba palagi kang masungit sa 'kin?
Baka puwede pang ayusin natin?
Mga pagtatalo natin minsan
Ay hindi nakakasawang unawain
Mahal kita, alam mo 'yan
'Di na 'ko maghahanap pa ng iba
Basta ito ang laging tandaan
Ang pag-ibig ko ay para sa 'yo lang

Pero bago ang lahat, ako ay pauwi na
Sandali lang, 'wag mo na 'kong pagalitan
Dami kong na-miss sa 'yong mga kulitan nating dalawa
Na minsan, tayo ay nagkapikunan
Mahirap pala ang malayo sa tulad mo
Isa 'yan sa natutunan ko
Kaya mga pagkukulang ko ay pupunan ko
Ako na ulit ang unan mo

Hey, miss na kita, baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na 'di ka na maghihintay at ('di na)
Hindi ka na malulungkot, malapit na 'ko

Baby, pauwi na 'ko (ako'y pauwi na)
Baby, pauwi na 'ko (miss na miss na kita)
Baby, pauwi na 'ko (ako'y uuwi na)
Hey, hindi ka na malulungkot, malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko

Papunta na 'ko
Pasensiya ka na
Kung napaghintay kita
Teka lang, sorry, papunta na 'ko (whoo)
Naiinip ka na ba?
Teka lang, malapit na 'ko
May gusto ka bang ipasabay
Para mabili ko na dito?

Para wala na sa 'ting umabala
Sa oras natin, gumambala
Tayo lang dalawa, walang iba
Maglalakbay hanggang sa tala
Ang sasakyan lang ay kama, pati ikaw
Kasi kapag ikaw ang kapiling
Alam ko na 'di ako maliligaw (whoo)

Nasasabik na 'kong ikaw ay yakapin (yakapin)
Angkinin lahat ng akin (akin)
Walang segundong sasayangin
'Yung tipong maya't maya mong hahanapin
Ang aking lambing
Na sa iba, 'di mo puwedeng ihambing
'Di ka na muling giginawin
Asahan mo 'yan sa aking pagdating

Hey, miss na kita, baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na 'di ka na maghihintay at ('di na)
Hindi ka na malulungkot, malapit na 'ko

Baby, pauwi na 'ko (ako'y pauwi na)
Baby, pauwi na 'ko (miss na miss na kita)
Baby, pauwi na 'ko (ako'y uuwi na)
Hey, hindi ka na malulungkot, malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko

Medyo matagal na rin tayong hindi nagkita (bebe)
Kaya ngayon, alam mo ba na miss na miss na kita? (Siyempre)
At 'di ka na dapat pang malungkot, please, ngumiti ka (ayy)
Sa 'yo, ako ay nananabik na, baby, ako'y pauwi na

'Di mo na kailangan pa uli na mainip (ayy)
Madadama mo na ulit ang mga halik (ayy)
Mga yakapan na mahigpit na may kadikit
Na pag-ibig na wala nang makakahigit (na-na-na)
Talagang 'di ko maipaliwanag
Napakasarap sa pakiramdam kasi (kasi)
'Di mo lang alam kung ga'no katagal
Na nag-abang para muli kang mahagkan

Kaya naman, hindi na kita bibitawan kapag nahawakan na ulit kita
Alam mo ba na miss kita?
Kung natiis ka, peace na, at least, 'di ka inalis sa isipan
Napakatamis, 'di ba?
'Wag kang mag-alala, ako'y malapit na
'Wag ka nang magalit pa
Parating na 'ko, hayaan mo 'kong makabawi pa
Kaya sana ay kumapit ka

Hey, miss na kita, baby, hindi ko na kaya
Sobrang saya ko na muli tayong magsasama
Pangako na 'di ka na maghihintay at ('di na)
Hindi ka na malulungkot, malapit na 'ko

Baby, pauwi na 'ko (ako'y pauwi na)
Baby, pauwi na 'ko (miss na miss na kita)
Baby, pauwi na 'ko (ako'y uuwi na)
Hey, hindi ka na malulungkot, malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko

Pauwi na 'ko, whoa, whoa
'Di ka na malulungkot, yeah, yeah
Hindi ka na malulungkot, malapit na 'ko
Baby, pauwi na 'ko



Credits
Writer(s): Daryl Ruiz, Daniel Tuazon, Jan Quintana, Rodolfo Bulahan, Melvin Santos, Archie Delacruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link