Apoy Ng Kandila

Aking iiwan ang pagkabata
Aking hangarin ay hahanapin
Ating ihain at pagsaluhan
Pagkaing binilin nang dahil sa akin

Uusbong ang reyalidad
Sa pagdungaw ng legalidad
Mapapansin

Kuwentong kaibigan, kuwentong pamilya
Ihip ng pangarap sa apoy ng kandila
Akin ang usok, akin ang alak
'Di itatago ang binabalak

Uusbong ang reyalidad
Sa pagdungaw ng legalidad
Mapapansin

Uusbong ang reyalidad
Sa pagdungaw ng legalidad
Habang ako'y lumilipad
Mapapansin



Credits
Writer(s): Unique Salonga
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link