Sa May Bintana

Lagi na lang akong
Dumudungaw sa may bintana
Upang masulyapan
Kahit anino mo man lamang
Nagbabakasakaling ikaw ay lumingon
Ano kaya itong aking nadarama

Araw-araw ako'y
Naghihintay sa may bintana
Nananalangin sana'y
Hindi ka pa nagdaraan
Parang bumibilis
Tibok nitong puso
Pag-ibig ba itong aking nadarama

Napupuyat sa kaiisip
Nababato't naiinip
Laging laman ng panaginip
Hindi kayang magtiis
Isang araw sa may bintana
Nang di kita masulyapan
Makindatan man lamang
Tumitigil ang buong mundo
Sa twing ika'y nagdaraan

Araw-araw ako'y
Naghihintay sa may bintana
Nananalangin sana'y
Hindi ka pa nagdaraan
Parang bumibilis
Tibok nitong puso
Pag-ibig ba itong aking nadarama

Napupuyat sa kaiisip
Nababato't naiinip
Laging laman ng panaginip
Hindi kayang magtiis
Isang araw sa may bintana
Nang di kita masulyapan
Makindatan man lamang
Tumitigil ang buong mundo
Sa twing ika'y nagdaraan

sa may bintana
sa may bintana



Credits
Writer(s): Ryan Cayabyab
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link