Lalabas Sana Ako

Lalabas sana ako
Gagala at tatambay
Ngunit bigla kang dumating
Kaya dito na lang tayo sa bahay

Nag-usap tayo umaga hanggang gabi
Tila 'di mapakali
Nakatitig mata sa mata
Mga labi mong nang iimbita

Pilit ko man pigilan, ang nararamdaman
Gusto ko mang iwasan gumawa ng kasalanan

Inaantok ka na, ganon rin ako
Halika na't samahan mo ako
Walang makakaalam, atin atin lang to
Wag mo nang ipagsabi na minsan
Nagkatabi tayo

Kinabukasan, gusto mo nang umuwi
Nagpasalamat sa maikling sandali
Lalabas na saking munting pintuan
Nung biglaang kumulog at umulan

Pilit ko man pigilan, ang nararamdaman
Nais ko mang iwasan gumawa ng kasalanan

Inaantok ka na, ganon rin ako
Ngunit labas na ang araw, gising pa rin tayo
Walang makakaalam, atin atin lang to
Wag mo nang ipagsabi na minsan
Nagkatabi tayo

Pilit ko man pigilan, ang nararamdaman
Gusto ko mang iwasan gumawa ng kasalanan

Inaantok ka na, ganon rin ako
Halika ka na, yakapin mo ako
Walang makakaalam, atin atin lang to
Wag mo nang ipagsabi na minsan

Ngayong kasama ka, ok na ako
Naabot ko na ang langit, nang dahil sa iyo
Walang makakaalam, atin atin lang to
Wag mo nang ipagsabi na minsan
Lalabas sana tayo

Mapaglaro kong isip ako'y layuan
Mahina ako sa mga ganyan
Mapaglaro kong isip ako'y layuan
Mahina ako sa mga ganyan
Oh tukso



Credits
Writer(s): Christian John L. Dalit
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link