Isang Pangako

Pagsubok sa ati'y dumaan
Nagbigay ng kulay sa pagmamahalan
Mga luha at tampo ay 'di maiiwasan
Marahil nga pag-ibig ay ganyan

Ang hindi nga inaasahan
Magkawalay paminsan-minsan
Ngunit, kapag tunay ang pagmamahalan
Pag-ibig ay walang kamatayan

Isang pangako ang inaalay ko sa 'yo
Mula sa araw na ito, laging ikaw ang iibigin ko
Isang pangako na hindi maglalaho
Palagi ay ikaw lamang dito sa 'king puso
'Di ko mapapayagan na ika'y mawalay pa
Hanggang sa kailanman, tanging ikaw lamang, sinta

'Di ko kailangan ang ibang pagmamahal
'Pagkat ito'y hindi magtatagal
Sa luha at saya, lagi tayong dal'wa
Ikaw lamang, wala na ngang iba

Isang pangako ang inaalay ko sa 'yo
Mula sa araw na ito, laging ikaw ang iibigin ko
Isang pangako na hindi maglalaho
Palagi ay ikaw lamang dito sa 'king puso
'Di ko mapapayagan na ika'y mawalay pa
Hanggang sa kailanman, tanging ikaw lamang, sinta

Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link