Kumusta Ka

Kumusta ka
Ikaw ay walang pinag-iba
Ganyan ka rin
Noong tayo ay muling magkita
Tandang tanda ko pa
Habang ika'y pagpalayo
Tinitingnan kita
Hanggang wala ka na
Kumusta ka
May ibang kislap ang iyong mata
Halata ang daigdig mo
Ngayon ay rosas
Siguro ay nagmamahal ka na ng totoo
Siya ba'y katulad mo
Noong tayong dalawa
O kay tagal na ako'y nag isip at naghintay
Makita kang mayakap at muling ka mahagkan
Ngunit ngayon nangyari na
Ako ay nauutal
Walang masabi kundi
Kumusta ka
Kumusta ka
Ano bang dapat sabihin pa
Dibdib mo'y malakas na namang kumakaba
Dapat kayang malaman mo
Hindi nagbabago
Hanggang ngayon sinta
Mahal pa rin kita
O kay tagal na ako'y nag isip at naghintay
Makita kang mayakap
At muling kang mahagkan
Ngunit ngayon nangyari na
Ako ay nauutal
Walang masabi kundi
Kumusta ka
O kay tagal na ako'y nag isip at naghintay
Makita kang mayakap at muling kang mahagkan
Ngunit ngayon nangyari na
Ako ay nauutal
Walang masabi kundi
Kumusta ka
Kumusta ka
'Di ka ba sa aking natatawa
Walang masabi kundi
Kumusta ka



Credits
Writer(s): Baby Gil, Willy Cruz
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link