Ano'Ng Kailangang Kong Gawin

Pinipilit kong limutin ka kahit na mahal kita
Dahil ang gusto mo ay lumayo't mapag-isa
Mahirap mang intindihin, iwanan ka'y ayaw ko rin
Ngunit walang magawa 'pagkat ito'y iyong hiling

Hanggang ngayon, mahal pa rin kita
Sana'y mayro'n pang paraan

Ano'ng kailangan kong gawin? Bumalik ka na sa 'kin
Ano'ng kailangan kong gawin upang ako'y muling ibigin?
Ano'ng kailangan kong gawin? Sabihin mo sa akin
'Pagkat ang tangi kong hiling, magbalik ka sa 'kin

Araw-araw nasasabik, bawat oras ay kay bilis
Kung makita kang muli, ang puso ko'y magbubunyi
Kahit nakakapagod man na maghintay sa kawalan
Magtitiis ako kahit nasasaktan aking puso

Pero mahal, mahal na mahal kita
Sana'y (sana'y) mayro'n pang paraan

Ano'ng kailangan kong gawin? Bumalik ka na sa 'kin (bumalik ka na sa 'kin)
Ano'ng kailangan kong gawin upang ako'y muling ibigin?
Ano'ng kailangan kong gawin? Sabihin mo sa akin
'Pagkat ang tangi kong hiling, magbalik ka sa 'kin

Sana ay malaman mong ikaw lang ang mahal ko
Kahit na maghintay pa ako sa habang panahon

Ano'ng kailangan kong gawin? Bumalik ka na sa 'kin
Ano'ng kailangan kong gawin upang ako'y muling ibigin?
Ano'ng kailangan kong gawin? Sabihin mo sa akin
'Pagkat ang tangi kong hiling, magbalik ka sa 'kin



Credits
Writer(s): Myrhus Apacible
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link