Ikaw Ang Musika ko

Bawat sulat ng letra, ikaw ang bigkas
Bawat himig, pangalan mo ang lumalabas
Sa bawat pikit, ikaw ang kasama
Ang koro ko'y 'di mabubuo kung ikaw ay wala

Balewala lamang ang lahat ng ito
Kung ikaw ay mawawala lang sa piling ko
Ikaw ang tibok ng puso't damdamin ko
Ang koro ko'y 'di mabubuo kung ikaw ay wala

(Whoa-oh, whoa-oh) ang pag-ibig mo ang musika ko
(Whoa-oh, whoa-oh) ikaw ang buhay ng awit na 'to
(Whoa-oh, whoa-oh) ang pag-ibig mo ang musika ko
(Whoa-oh, whoa-oh) 'di 'to mabubuo kundi nang dahil sa 'yo

Dumadaloy sa tono at himig ko
Ang bawat letra ng pangalan mo
Aanhin ko ang katuparan ng pangarap ko
Kung ikaw naman ay maglalaho sa istorya ko?

(Whoa-oh, whoa-oh) ang pag-ibig mo ang musika ko
(Whoa-oh, whoa-oh) ikaw ang buhay ng awit na 'to
(Whoa-oh, whoa-oh) ang pag-ibig mo ang musika ko
(Whoa-oh, whoa-oh) 'di 'to mabubuo kundi nang dahil sa 'yo

Ano nga ba'ng pinagmulan ng aking kahibangan?
Ngayo'y damang-dama ang hirap ng wala ka na
Nawalan ng kabuluhan ang mundong ginagalawan
Oh, sana naman, ako ay iyong pagbigyan

(Whoa-oh, whoa-oh) pag-ibig mo ang musika ko
(Whoa-oh, whoa-oh) ikaw, ikaw ang kabuuan ng awit na 'to
(Whoa-oh, whoa-oh) pag-ibig mo ang musika ko
(Whoa-oh, whoa-oh) 'di 'to mabubuo kundi nang dahil sa 'yo



Credits
Writer(s): Joey Marquez, Jem Florendo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link