Kay Hirap Tumanda (OPM Hitmen)

Kung dati ay wala akong problema
Lahat ng bagay ay kayang kaya
Kahit ano ay pwede kung subukan
Ang bawal ay diko iniinda

Mula gabi maging hanggang umaga
Tuloy ang buhay na anong saya
Ang pagtanda ay diko na kikita
Dahil noon ako ay bata pa

Kay hirap, kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Dahil lahat sayo'y humuhina
Kay hirap, paglolo at lola kana
Gamot mo kay dami at iba iba
Peligis sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na

Ngayon kay dami ng inaalala
Gustong gawin ay diko na makaya
Kulang nalang palagi ay may yaya
Dahil kung minsan ay ulyanin na

Mabuti pa ay tanggapin na lamang
Ang pagtanda ay di maiiwasan
Bastat sa kapwa ay may kabutihan
Ikaw ay may pinagkatandaan

Kay hirap, kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Dahil lahat sayo'y humuhina
Kay hirap, paglolo at lola kana
Gamot mo kay dami at iba iba
Peligis sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na

Ang tamay magkunwari nalang
Na bata upang maramdaman
Ang buhay ay tunay ngang ganyan
Ang pagtanda ay ating hantungan

Kay hirap, kay hirap tumanda
Kay daming hindi magagawa
Rayuma ayaw kumawala
Dahil lahat sayo'y humuhina
Kay hirap, paglolo at lola kana
Gamot mo kay dami at iba iba
Peligis sa mukha'y nagmumura
Sadyang ganyan kapag matanda na
Sadyang ganyan kapag matanda na
Kay hirap ng ikay matanda na



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link