Ano Nga Ba

Ano nga ba ang nais kong gawin?
Lumilipad na parang lawin
O humugot ng bituin sa malawak na kalangitan
Na aking pinagmamasdan

Ano nga ba ang nais kong gawin?
Parang kahit ano 'di maaangkin
Ano nga bang pag-aari ng bawat tao sa mundo?
Diba't kahit buhay mo'y hiram ito

Ang gulo, ang gulo
Ni hindi ko na malaman kung ano ang totoo
Sa dami ng sinungaling, maniniwala rin
Sa mali nilang salita, nagtiwala

Ano nga ba ang nais kong gawin?
Parang kahit ano 'di maaangkin
Ano nga bang pag-aari ng bawa't tao sa mundo?
Diba't kahit buhay mo'y hiram ito

Ang gulo, ang gulo
Ni hindi ko na malaman kung ano ang totoo
Sa dami ng sunungaling, maniniwala rin
Sa mali nilang salita, nagtiwala

Ang gulo, ang gulo
Ni hindi ko na malaman kung ano ang totoo
Sa dami ng sinungaling, maniniwala rin
Sa mali nilang salita, nagtiwala



Credits
Writer(s): Mary Jane C Mendoza, Archemides Archie Castillo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link