Sa Kahapon

Sa kanya-kanyang pangarap na nakipaghabulan
Dati tayo-tayo lang sa gabi-gabing taguan
Magtampisaw sa tag-ulan, ang kaligayahan, ambunan
Kuntento na sa buhangin at sa sementong laruan
Anomang dumating na problema, dedma
Barya lang ang katapat ng tawang abot-tenga
'Di ko namalayan, tumakbo yung panahon
Kung hindi pa 'ko lilingon sa dating kita at lamesa
Dati kong mundo, palaruang malawak
Sa piling ng bawat katutong kasabay kong mangarap
Tawid din nangalab-paap, pati buwan makayakap
'Eto na ang panahon para gatong natin mag-alab, tara!

Bakas ng kapalaran ko
Tangi kong sandata

Samahan mo akong lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala

Ganu'n pa din ang mundo, naging makulay lang siya para sa 'kin
Sa tulong ng kada berso kong inuumaga
Ako pa din 'tong kayang makisama, makitawa
Magpakalango sa nakaraan nating alaala
Madami mang padating na dapat pang yakapin d'yan
Pagsubok sa piniling kapalaran, parte 'yan
Saludo sa mga tropa na palaging nand'yan
Na kahit saan, para sa dagok makipasan
Sa ngayong kami naman mangibabaw upang ibabawan
Ay walang ayawan sa pinapantasyang katuparan
Nakaraang pasanin, pahirapang ilarawan
Dating ingay ng tahanan, naging boses ng lansangan

Bakas ng kapalaran ko
Tangi kong sandata

Samahan mo akong lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala

'Wag kang mangamba sa aking pag-alis
'Wag kang mangamba sa aking pag-alis
'Wag kang mangamba sa aking pag-alis
'Wag kang mangamba sa aking pag-alis

Silang mga nagtiwala sa 'kin nung wala pa ako
Alam sa kayang babago ng barang kinabisado
Sa kubeta't lababo, hanggang sa TV at radyo
Nabigyang kahulugan ang kada pagod at plano
Bilang regalo, itong awiting muna sa ngayon
Ang mananatiling and'yan, mapawala ka't magkaroon
S'yang paalala na din, kasama mo ako palagi
Anomang hinaing sa pagsubok mo, 'ko kahati
Dati nakatingala lang tayo sa mga tala
'Wag mag-alangang abutin, sige, ako bahala
Maging halimbawa at gabay mo para maniwala
Sa 'yong makakaya bilang kapatid mo kay Bathala

Samahan mo akong lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon

Samahan mo akong lumingon sa kahapon
Sabay nating hagkan ang pagsalubong ng alon
Sa mga dati at ngayong nakasama
Nagpapasalamat kami sa alaala



Credits
Writer(s): Blaster Silonga, Daniel Benitez, Christian De Castro, Sean Patrick Ramos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link