Ikaw Ang Aking Pag-ibig

Dinggin ang awitin, pag-asa'y mga bituin
Ihip ng hangin, saan ba dadalhin?
Pangakong ingatan, patuloy kang hahagkan
Ikaw ang dalangin, sa langit sambitin

Pag-ibig kong alay sa 'yo'y hindi magmamaliw
Pangarap at ang buhay ko'y ikaw, aking giliw
Kahit bukas ma'y tila ba kay dilim
Lahat hahamakin, ikaw lang ang aking pag-ibig

Pag-aalinlanga'y 'di na kailangan pa
'Pagkat yaring puso'y tapat sa 'yo, sinta

Pag-ibig kong alay sa 'yo'y hindi magmamaliw
Pangarap at ang buhay ko'y ikaw, aking giliw
Kahit bukas ma'y tila ba kay dilim
Lahat hahamakin, ikaw lang ang aking pag-ibig

Batid ko nga't nalalaman, lubos ko namang naintindihan
Na ang puso mo'y may ibang nilalaman
At kahit na gano'n pa man, patuloy kang iibigin
Hayaan mong ibigin kang muli, oh

Pag-ibig kong alay sa 'yo'y hindi magmamaliw
Pangarap at ang buhay ko'y ikaw, aking giliw
Kahit bukas ma'y tila ba kay dilim
Lahat hahamakin, lahat kakayanin
Ikaw lang ang aking pag-ibig



Credits
Writer(s): Mark Felipe
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link