Nang Dahil sa Pag-ibig

Sarili ko'y napabayaan
Mula nang ika'y ibigin ko
Tanging sa 'yo lang umikot, mundo
Ng puso kong ito

Nahihirapan man ako
Dahil dalawa kaming mahal mo
Wala kang sumbat
Maririnig mula sa labi ko

Nang dahil sa pag-ibig, natutong magtiis
Nang dahil sa pag-ibig, nagmahal nang lubos
Ang puso kong ito
Na 'di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko
Nang dahil sa pag-ibig, sunud-sunuran ako
Sa lahat ng gusto mo
Nang dahil sa pag-ibig
Umiiyak ngayon ang puso ko

Umiiyak ako ngayon

'Di makikinig sa mga payo niyo
Puso ko ang susundin ko
'Pagkat mahal
Mahal ko siya

Nang dahil sa pag-ibig, natutong magtiis
Nang dahil sa pag-ibig, nagmahal nang lubos
Ang puso kong ito
Na 'di umaasang tumbasan mo ang pag-ibig ko
Nang dahil sa pag-ibig, sunud-sunuran ako
Sa lahat ng gusto mo
Nang dahil sa pag-ibig
Umiiyak ngayon ang puso ko

Credits
Writer(s): Jose Larry Hermoso
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link