Nanliligaw, Naliligaw

Pops: Madalas kitang makitang may kasama
Magkahawak ang mga kamay
Bumibigat ang puso ko
Laging nangangarap na akong kapiling mo
Mulatto: Dapat nga kayang sa'yo ako'y humanap
Kahit na ako'y may'ron ng iba
Pigilan man ang puso ko
Tuwid man ang tingin
Lumilingon ang isip ko
Duet: Ang puso ko ay nanliligaw, ang puso ko ay naliligaw
Pops: Bakit kay tagal ng hinihintay at ngayon ka lang nakita.
Mulatto: At di na ako manliligaw, Duet: At di na ako maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad
Pops: Kung sakali mang magulo itong damdamin
Naghahabol sa'yong nagdaan
Nauna ng pagsuyo na'y lihis sa'yong landas pagkat tayo ang tadhana
Mulatto: Paglalaro mo ang aking isipan
Halik at yakap mo ang nararamdaman
Akala ko'y nabihag niya
Ang puso kong ito sa'yo'y malayang nagpasya
Pops: Ang puso ko ay nanliligaw, Duet: Ang puso ko ay naliligaw
Pops: Bakit kay tagal ng hinihintay at ngayon ka lang nakita
Mulatto: At di na ako manliligaw, Duet: At di na ako maliligaw
Kung sasabihin mong ikaw at ako ang magkapalad (ooh)
Mulatto: Di ko kayang masaktan ang damdamin
Siya'y nagmamahal ng tunay sa'kin
Pops: Paano na ang aking pusong Mulatto: Paano na
Pops: Ikaw lamang ang tanging buhay ooh
Mulatto: Ikaw lang ang aking buhay ko'y ito...
Duet: Ang puso ko ay naliligaw
Pops: Bakit kay tagal ng hinihintay at ngayon ka lang nakita
Mulatto: At di na ako manliligaw, Duet: At di na ako maliligaw
Pops: Sana nga'y maging ikaw at ako
Mulatto: Sana nga'y maging ikaw at ako
Pops: At wala nang hahanapin pa...
Mulatto: Wala nang hahanapin pa...



Credits
Writer(s): Benito M. Escasa, Mark B. Sta. Maria
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link