Sugarol

Isang hakbang patungo sa 'yo
Kahit 'di sigurado
Kung mayro'n mang sasalo
Isa, dalawa, tatlo, susugal ako
(Isa, dalawa, tatlo, susugal ako)

Tumatakbo ang isip ko, tuliro
Samu't saring senaryo, naglalaro
Sa'n man 'to hahantong, sa'n didiretso
Sanay na 'kong mabigo, ano pa bang bago?

Ngunit ito na naman
Ako'y susubok na naman

Isang hakbang patungo sa 'yo
Kahit 'di sigurado
Kung mayro'n mang sasalo
Isa, dalawa, tatlo, susugal ako
(Isa, dalawa, tatlo, susugal ako)

Ang dami nang nagdaan, ang dami ding nang-iwan
Nangako ng kaligayahan, hindi naman pinaglaban
Sawang-sawa nang mabigyan ng maling pag-asa
Kailan ba makakahanap ng hindi paasa?

Pero ito pa rin
Umaasa pa rin

Isang hakbang patungo sa 'yo
Kahit 'di sigurado
Kung mayro'n mang sasalo
Isa, dalawa, tatlo, susugal ako
(Isa, dalawa, tatlo)
Susugal ako
Susugal ako
Susugal ako

Dapat na bang sumuko?
Sa pag-ibig na tunay at puro
Na sasagot sa lahat ng tanong
Isa, dalawa, tatlo, maghihintay ako



Credits
Writer(s): John Sabili
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link