Tulog Na

Tulog na, mahal ko
Hayaan na muna natin ang mundong ito
'Lika na, tulog na tayo

Tulog na, mahal ko
'Wag kang lumuha
Malambot ang iyong kama
Saka na mam'roblema

Tulog na, hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, matulog ka na

Tulog na, mahal ko
Nandito lang ako'ng bahala sa iyo
Sige na, tulog na tayo

Tulog na, mahal ko
At baka bukas, ngingiti ka sa wakas
At sabay natin harapin ang mundo

Tulog na, hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, tulog ka na

La-la-la, la-la-la
La-la-la-la-la, la-la-la-la-la-la-la-la
La-la-la

Tulog na, hayaan na muna natin sila
Mamaya, hindi ka na nila kaya pang saktan
Kung matulog, tulog ka na



Credits
Writer(s): Ebe Dancel
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link