Sabi Niya

Sabi niya
Itanong mo pa sa mga tala
Kung ikaw ba'y dapat may ialintana
Sa iyo'y sasabihin nila
Ika'y walang dapat ikabahala

Araw-araw kitang liligawan
Kahit ako'y iyong sinagot na
Araw-araw kitang mami-miss
Kahit gabi-gabi mo pa ako i-kiss

Tapos sabi niya
Alam kong ika'y nasaktan na
Kaya ika'y takot nang umibig pa
Ngunit, subalit, pangako, sinta
Ako'y ibahin mo sa kanila

Araw-araw kitang liligawan
Kahit ako'y iyong sinagot na
Araw-araw kitang mami-miss
Kahit gabi-gabi mo pa ako i-kiss

Pero tanga lang ang naniniwala
Na nagsasalita ang mga tala
Alam mo ang pinagdaanan ko
Pero 'di ka naawa, bakit di ka naawa?

Dahil araw-araw mo 'kong pinaluha
Pagkalipas ng panahon, nang ika'y sinagot na
Araw-araw ko ngayong tinitiis
Mga gabing aking ika'y nami-miss

Araw-araw mo 'kong pinaluha
Pagkalipas ng panahon, nang ika'y sinagot na
Araw-araw ko ngayong tinitiis
Mga gabing aking ika'y nami-miss

Araw-araw mo 'kong pinaluha
Pagkalipas ng panahon, nang ika'y sinagot na
Araw-araw ko ngayong tinitiis
Mga gabing aking ika'y namimiss

Araw-araw mo 'kong pinaluha
Pagkalipas ng panahong, nang ika'y sinagot na
Araw-araw ko ngayong tinitiis
Mga gabing aking ika'y nami-miss



Credits
Writer(s): Nicole Macapagal
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link