Dati - Cover Version

Dati-rati, sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy-araw ang balat
Naaalala ko pa no'n, nag-aagawan ng Nintendo
Oh, kay sarap namang mabalikan ang ating...

Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Naglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Oh, kay sarap namang mabalikan ang alaala

Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon

'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang 'yong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari
Ang aking pagtingin na gaya pa rin ng

Da-ra-ra-rat-da, dati, da-ra-ra-rat-da, dati
Da-ra-ra-rat-da, dati, na gaya pa rin ng

Parang Julio't Julia, lagi tayong magkasama
Sabay tayong umiiyak 'pag inaapi si Sarah
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga
Sana mabalik ang dati nating pagsasama

(Hey) ikaw nga 'yung reyna at ako ang 'yong hari
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y malayo na't malabong mangyari
Ang aking pagtingin (ang aking pagtingin), ibulong na lang sa hangin
Pangarap na lang din (pangarap na lang din) na gaya pa rin ng

Da-ra-ra-rat-da, dati, da-ra-ra-rat-da, dati
Da-ra-ra-rat-da, dati, na gaya pa rin ng
Da-ra-ra-rat-da, dati, da-ra-ra-rat-da, dati
Da-ra-ra-rat-da, dati, na gaya pa rin ng
Ng dati



Credits
Writer(s): Lacsamana Yumi, Alfaro Michael
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link