Pakitong-Kitong

Tong, pakitong-kitong
Tong, pakitong-kitong

May isang obrero na nangarap pero 'di makausad-usad
Pilit nagsumikap kahit na mahirap para lamang matupad
Bakit ba may ibang nangbabangga at nananadya?
Oh, bakit ba mayro'ng utak-talangka? 'La nang magawa

'Yan na naman, oh, sana naman, oh, teka nga muna
Pwede naman, oh, sige naman, oh, pagbigyan mo na

Tong, pakitong-kitong, alimangong nangangagat
Tong, tong, tong, pakitong-kitong at animong umaangat
Tong, tong, tong, pakitong-kitong, walang sawang nangbabaltak
Tong, tong, tong, pakitong-kitong, walang awang mapanghamak

Kahit pa apakan ang kapararakan ng isa, tuloy pa rin
'Di maunawaan kung ano'ng katuwiran, kapwa ay baliktarin
Awat na, kung walang pakialam, 'wag makialam
Oh, tawad na, ayaw man malamangan, 'wag namang ganyan

'Yan na naman, oh, sana naman, oh, teka nga muna
Pwede naman, oh, sige naman, oh, pagbigyan mo na

Tong, pakitong-kitong, alimangong nangangagat
Tong, tong, tong, pakitong-kitong at animong umaangat
Tong, tong, tong, pakitong-kitong, walang sawang nangbabaltak
Tong, tong, tong, pakitong-kitong, walang awang mapanghamak

Utak-talangka, inggit sa kapwa
Ng taong ayaw makitang ibang umunlad at magpasasa
Parang punyal na kumikitil sa buhay ng walang salang nagtitiwala
Akala ay tinutulungan, tinututukan pala
Upang pigilan lang ang gantimpala
Parang bruskong guwardiya na humahadlang, bumabalya sa nakakaawa
Itong inosenteng pilit na umaasang mayro'n sanang mapala
Luha ng buwaya, utak-biya, utak-talangka, inggit sa kapwa

'Yan na naman, oh, sana naman, oh, teka nga muna
Pwede naman, oh, sige naman, oh, pagbigyan mo na (drop it)

Tong, pakitong-kitong, alimangong nangangagat
Tong, tong, tong, pakitong-kitong at animong umaangat
Tong, tong, tong, pakitong-kitong, walang sawang nangbabaltak
Tong, tong, tong, pakitong-kitong
Walang awang mapanghamak (walang awang mapanghamak)

Tong, pakitong-kitong, alimangong nangangagat (whoa)
Tong, tong, tong, pakitong-kitong
At animong umaangat (at animong umaangat)
Tong, tong, tong, pakitong-kitong
Walang sawang nangbabaltak (nangbabaltak)
Tong, tong, tong, pakitong-kitong, walang awang mapanghamak (hmm)

Tong, pakitong-kitong



Credits
Writer(s): Rr
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link