Red Planet

Oh, kay daming dumadating sa 'tin
Pagsubok at mga balakid
Dinadaan na lang sa panalangin

Baguhin ang ihip ng hangin
Sumabay sa bugso ng damdamin
Hanggang sa maabot natin ang langit

Buti na lang, nandiyan ka na
Hindi na muling mag-iisa
Samahan mo akong takasan ang mundo

Halika na't sumama ka papalayo
Papalipad papunta sa ibang mundo
Kung saan walang problema at gulo
Tayo lamang dalawa

Mga oras ay dapat sulitin
Baka bukas, wala na sa atin
Ang mga bagay sa 'tin na mahalaga

Buti na lang, nandiyan ka na
Hindi na muling mag-iisa
Samahan mo akong takasan ang mundo

Halika na't sumama ka papalayo
Papalipad papunta sa ibang mundo
Kung saan walang problema at gulo
Tayo lamang dalawa



Credits
Writer(s): Nicole Macapagal
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link