Awit Ng Paghahangad (Salmo 63)

Oh, Diyos, Ikaw ang laging hanap
Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal
Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal
Dadalangin akong nakataas aking kamay
Magagalak na aawit ng papuring iaalay

Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay
'Pagkat ang tulong Mo sa t'wina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak

Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo
Kaligtasa'y tiyak kung hawak Mo ako
Magdiriwang ang hari, ang Diyos, S'yang dahilan
Ang sa Iyo ay nangakong galak yaong makakamtan

Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay
'Pagkat ang tulong Mo sa t'wina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak



Credits
Writer(s): Charlie Cenzon Sj
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link