Ayoko Na

Ayoko na, hindi ko na talaga kaya
Wala naman tayong napapala
Sa mga binibitawang salita
At sa paulit-ulit na mga maling ginagawa

Ayoko na, hindi na ako maniniwala na kaya pa
Parang hindi nadadala
Kulang pa ba sabihin kong mahal kita?
At sasaktan mo pa ang puso kong walang magagawa
Ayoko na

Kung wala ka nang maisip at walang magagawa
Kung hindi nanghihinayang sa mga mawawala
Hindi na ako magpupumilit kahit na mahal kita
Ayoko nang magsalita, ayoko nang umasa pa

Ayoko na, gusto ko nang maging malaya
Siguro nga, hinihintay ka ng iba
Alam ko na, na darating din ang araw
Na magsasawa at tuluyan nang magpapaalam ka
Ayoko na
Ayoko na



Credits
Writer(s): Brianna
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link