Hari Ng Kuwento

Handa na ang lahat
Ako nalang ang hinihintay
Nagpapawis, nanginginig
Nanlalamig mga kamay
Isang hinga, isang buga
Ang kaba'y sumasabay
Ilang ulit ng ginagawa
Hindi pa rin masanay-sanay
(House lights to zero go!)
(Preset lights to zero go!)
(Blackout)
(Music Go!)
(Lights Go!)
(Beginners Go!)

Araw gabi tuloy-tuloy
Walang katapusan
Walang kain, walang tulog
Walang pakiaalam
Kahit isipin man nilang
Ito'y katuwaan lang
Hinding-hindi ipagpapalit makalimot lang

Dito ako ang Hari ng kwento
Sa entabladong aking palasyo
Dito sa aking mundo
Dadalhin ko kayo
Nag-iisang Hari ng kwento
Sa entabladong aking palasyo
Kahit kanino 'di patatalo
Ako ang Hari ng kwento

"To be or not to be, that is the question"
"Whether 'tis nobler of the mind to suffer
The slings and arrows of outrageous-"
"Whether, 'tis nobler in the mind to suffer the s-"
"The mind to suf-"
"Whether 'tis nobler in the- mind to- line!"
"Line!"

Bakit 'di ko na maalala
Noon kabisadong kabisado pa
Dati dumudulas lang mga linya
Ngayon naglaho na

Dito ako ang Hari ng kwento
Sa entabladong aking palasyo

Dito sa aking mundo dadalhin ko kayo
Nagiisang Hari ng kwento
Sa entabladong aking palasyo
Kahit kanino di patatalo
Ako ang Hari dito
Ako Ang Hari ng kwento
Sa entabladong aking palasyo

Dito sa aking mundo
Ako ang haaa-



Credits
Writer(s): Angelica Riz E Ganhinhin, Ariane Erika G. Estacio, Carl Joseph E. Papa, Teresa L. Barrozo
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link