Talintala

Hinahangaan kong bituin, aking tinitingala
Tila'y lumapit, naibsan ang dilim
Nagmistula kang dayuhan, 'di ko akalain
Agad na nabihag sa unang tingin

Teka, miss, nabihag ako ng iyong ganda
Unang sulyap, puso para bang hinihila na
Nagkasalubong tayo sa gilid ng dagat
Sinundan hanggang ika'y tumigil at may balak

Paningin nagkatagpo
Balahibo tumatayo, puso ko'y tumitibok
Para kang libro na binabasa ko na ayaw magkaron ng dulo
Pa'no 'to?

Parehong naguluhan
Pasikot-sikot ang paningin nating dalawa
Bahala na
Ako'y lumapit at nahiyang sinabi na kamusta ka?

Pinairal ang nadarama
Kalungkutan sa sarili ay nalanta na
Dahil sa iyong ganda, ako'y natulala
Lumipas ang mga oras at hinatid kita

Hinahangaan kong bituin, aking tinitingala
Tila'y lumapit, naibsan ang dilim
Nagmistula kang dayuhan, 'di ko akalain
Agad na nabihag sa unang tingin

Sinampal aking sarili, inalam kung totoo
Baka naman kasi mamaya nananaginip lang ako
'Pagkat ang braso mo'y sinlambot ng alapaap
Imposibleng marating kapag tayo lang ay lalakad

Tanong ko lang, sanay ka ba na tumakbo?
'Pagkat buong araw kang tatakbo sa 'ting paraiso
Hahabaan ang pasensiya kahit mag-antay ng matagal
Madama lang ang iyong presensya

Malalim man ang tinginan pero 'di malulunod
Ikaw ang kapitan pero sa 'yo din mahuhulog
Ako ay barko, ikaw ang magsisilbing kapitan
Sumakay ka na sa akin at ako na ay 'yong timunan
Ikaw bahala kung sa'n papunta
Magpapadaloy ba sa agos o sa labasan na
Basta't mangako ka na pagkatapos nitong araw
Na uulitin natin 'to hanggang sa maging araw-araw

Hinahangaan kong bituin, aking tinitingala
Tila'y lumapit, naibsan ang dilim
Nagmistula kang dayuhan, 'di ko akalain
Agad na nabihag sa unang tingin

Lumipas ang oras na
Magkasama tayong dalawa
At nagkahulugan na

Hinahangaan kong bituin, aking tinitingala
Tila'y lumapit, naibsan ang dilim
Nagmistula kang dayuhan, 'di ko akalain
Agad na nabihag sa unang tingin

Hinahangaan (hinahangaan) kong bituin (kong bituin), aking tinitingala
Tila'y lumapit, naibsan ang dilim (tila'y lumapit, naibsan ang dilim)
Nagmistula kang dayuhan, 'di ko akalain
Agad na nabihag sa unang tingin (agad na nabihag sa unang tingin)



Credits
Writer(s): Shortone
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link