Bagay Tayo

'Di na ako magdadalawang-isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko, sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo
Bagay, bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay
(Lilipad na ng sabay)

Kanina ka pa, ka mo na tumatakbo
Dito sa 'king isipan, 'di ko mahinto
Tanging mga larawan mo
Ang gusto kong makita pagpikit na 'king mata
Sa panaginip ko

Ay mero'ng tayong dalawa
Ayoko namang maging pantasya lang
Kung pwede naman nating tuparin ng magkasama talaga
Tayo lang sa paraisong naka-tadhanang
Mapa-ibig sa iyo, ano pa'ng hahanapin ko
Wala na

Mata mong 'sing kinang ng tala sa taas
Ako'y nadadala, pwede ka bang mailabas
Punta tayo sa lugar kung sa'n malayong magwakas
Ang kwento nating dalawa, 'wag na nating ipagpabukas

Ayoko muling umalis ng mag-isa
Gusto ko sa 'king pagbalik ay kasama na kita
Alam mo bang takot na 'kong magmahal pa ng iba
Pero simula nu'ng makilala ka'y nalimutan ko na

'Di na ako magdadalawang-isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko, sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo
Bagay, bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay
(Lilipad na ng sabay)

Oh, alam mo ba? Na bagay tayong dalawa
Mahal na mahal kita, hindi ko lang talaga sinasadya
Lakas na kasi ng epekto ng kagandahan mo
'Di ko talaga inakala na magkakaganito
Ang tanging sarili ko

Sana'y pagbigyan mo na 'ko
'Di ko talaga matiis ang pagmamahal ko
Sa'n man tayo magtagpo, ako ay nandito
'Wag ka mag-alala, basta kasama ka
Hanggang dulo

'Di na ako magdadalawang-isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko, sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo
Bagay, bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay
(Lilipad na ng sabay)

Alam mong sa tuwing ika'y aking nasisilayan
Agad ng nawawala ang mga pagod ko
Palaging hinahanap ang tamis ng 'yong ngiti
Sa tuwing ako ay binabalot na ng takot ko
Ikaw ang dahilan kung bakit na patuloy na
Ginagawa ang mga bagay kahit na magkamali
Tanging sa 'yo lamang to maniniwala kahit na
Madami d'yan na kung ano-ano ang pinagsasabe

Susulitin mga oras na ikaw ang kausap
Kung makasama ka ay para bang na sa ulap
Hindi na nanaisin pang-muling makahanap
Ng iba kasi ikaw ang sumagot sa pangarap

'Di na makapagantay sa iyong pagdating
Basta't tatandaan mo lang kahit saan makarating
Mero'n nagsisilbing panata ang ikaw lang at ako
Pangako na kahit ano mangyare, hindi lalayo, yeah!

'Di na ako magdadalawang-isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko, sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo
Bagay, bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay
(Lilipad na ng sabay)

Alam mo ba kapag 'andito ka
Bumibilis tibok ng puso at
Bakit ikaw ang laging na sa isip ko
Pagmulat ng mga mata
Ikaw ang hanap ko
Sa gabi ikaw ang na sa panaginip ko
Alam kong paulit-ulit na lahat ng sinasabi ko kasi

'Di ko mapaliwanag ang aking nadarama
Sana nga ay makasama na kita, upang makita mo kung paano ako magpahalaga
At mapakita na
Ikaw, ako at walang iba ay bagay talaga
Kahit na ano nangyari basta't tayong dalawa ang magkasama 'yun lang ang
Mahalaga

'Di na ako magdadalawang-isip kung gusto kita
Kitang-kita ko rin ang saya sa 'yong mga mata
Sa tuwing kasama mo 'ko, sa tuwing kasama kita
Aminin mo na tayong dalawa ay bagay talaga

Bagay tayo
Bagay, bagay tayo
Bagay tayo
Bagay tayong dalawa
Hawakan mo ang aking kamay at lilipad na nang sabay
(Lilipad na ng sabay)



Credits
Writer(s): Jomuel Casem, Clien Alcazar, Rocel Dela Fuente, Angelo Timog
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link