Karera

Di ito, di ito paunahan
Di ito, di ito paunahan
Di ito, di ito paunahan

Pelikula ng buhay ikaw ang bidat direktor
Takbo ng storya aayon sayong direkrsyon
Magsisimula lang to pag ikaw umaksyon
Resulta dedepende sayong prodaksyon
Dapat ang pangarap walang limitasyon
Lahat yan posible kapag may dedikasyon
Sa bawat pagkabigo laging may leksyon
Kabutihang gawi paniguradong may balik yon
Lakad lang kahit sa kalsada mabubog
Hakbang pataas kahit na mahulog
Wag kang matakot na sumubok
Okay lang magkamali dyan ka mahuhubog
Lumakas man ulan sa baha sa lumusong
Anong mang kalamidad di dapat umurong
Magsikap sa buhay maniwalang susulong
Mailngay man sa labas parining mo iyong ugong
Narating mo sa iba wag ikumapara
Buhay parang marathon di ito karera
Pagkamit sa tagumpay di ito paunahan
Takbo kahit mabagal finish line iyong masisilayan

Di ito, di ito paunahan
Di ito, di ito paunahan
Di ito, di ito paunahan
Sarili mo lang ang yong kalaban
Di ito, di ito paunahan
Di ito, di ito paunahan
Di ito, di ito paunahan
Sarili mo lang ang yong kalaban

Oo sa nakaraan ako'y nakulong
Ngunit may tumugon salamat sa berdeng dahon
Biglang sigaw ang dating mga bulong
Naging biglang bara ang dating lamang paglulon
Maging lakas ang dating pagkahig
Isang musmos na lumaking nanlilimahid
Ilan hakblang pasulong at sa bisyo ako'y kumabig
Sa hinaharap tumawid at naniwala saking pagkaganid
Gumawa kaagad ng paraan sa yong adhika
Bumalik at wasakin lahat na tila ba kometa
Pinili kong laro para sa akin ito'y agham
Huwag na magtaka kultura tinuring kong katipan
Buhat kasama ayan aking inensayo
Daig ko pa bayanihan sa kalye ng epifanio
May ginintuang puso saan man dumayo
Bitbit aking nakaraan handang maglakbay sa kabilang ibayo
Lakas ng akin enerhiya eto'y orihinal
Takbo ng aking buhay patuloy ang pagpedal
Sa kaalaman ako pa rin ay patuloy ang pagbungkal
Handa na ako para bukas sa panahon ako'y itatanghal

Di ito, di ito paunahan
Di ito, di ito paunahan
Di ito, di ito paunahan
Sarili mo lang ang yong kalaban
Di ito, di ito paunahan
Di ito, di ito paunahan
Di ito, di ito paunahan
Sarili mo lang ang yong kalaban

Sa karera ito ikaw ang tunay na panalo
Ikaw ang may hawak ginto, pilak at tanso
Sa karera ito ikaw ang tunay na panalo
Ikaw ang may hawak ginto, pilak at tanso



Credits
Writer(s): Vhyle Christian Paredes
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link