Di Naman

Ang tanong ko sa sarili dati
Kung ako'y naging mapalad na mapili mo
"Magtatagal ba tayo?"
Pero ngayon, ito'y panaginip na lang

Dahil ika'y lumisan
Nang wala man lang paalam
Tapos, malalaman-laman ko na lang

Na mayro'n na palang humahawak sa 'yong mga kamay
'Yung pinapangarap kong sagot, sa kanya mo binigay
Sino ba naman ako para magreklamo sa iyo?
Eh, hindi naman naging tayo, 'di naman naging tayo

'Di naman kita sinisisi
Pero ako'y nagsisisi, dahil
Pakiramdam ko, ako'y nagkulang sa iyo
Kaya bigla kang lumayo, ooh

At tuluyan nang lumisan
Nang wala man lang paalam
Tapos, malalaman-laman ko na lang

Na mayro'n na palang humahawak sa 'yong mga kamay
'Yung pinapangarap kong sagot, sa kanya mo binigay
Sino ba naman ako para magreklamo sa iyo?
Eh, hindi naman naging tayo, hindi naman naging tayo

Kahit kailan (kahit kailan), kahit kailan, 'di naman
Kahit kailan, hindi naman, hindi naman, hindi naman naging tayo
Pasensiya ka na kung ako'y nasasaktan
Wala namang karapatan kasi hindi naman naging tayo

Kahit kailan, kahit kailan, hindi naman
Hindi naman, hindi naman, hindi naman naging tayo
Pasensiya ka na kung ako'y nasasaktan
Oh, wala namang karapatan, kasi hindi naman naging tayo



Credits
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link