Bukas Na Wala Ka Na

Sugatan, yan ang estado ng
Puso kong punong puno ng pagdaramdam
Luhaan, yan ang sinapit ng
Pag-ibig kong akala ko'y walang hanggan

O kaysakit namang balikan ang nakaraan
Nung araw na saya nati'y walang paglagyan

Kakalimutan ko ala-alang iniwan mo
Sa isip kong walang ibang laman kundi ikaw
Magpapa-alam na, sarili'y ihahandang
Harapin ang bukas na wala ka na

At kung sakaling sa iyong pag-iisa
Maisip mo ako at maalala
At Kung wala ka nang malapitan
Nandito lang ako para sayo kahit na muling masaktan

Kakalimutan ko ala-alang iniwan mo
Sa isip kong walang ibang laman kundi ikaw
Magpapa-alam na, sarili'y ihahandang
Harapin ang bukas na wala ka na



Credits
Writer(s): Aljohn Rhey Lamela
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link