Bata, Dahan-Dahan!

Bata, dahan-dahan sa mundong kinagagalawan
Pagmasdan ang larawan ng hitsurang nagmamalakas
'Di pwedeng mabulag, makinig sa tamang tinig
Wala kang mapapala sa taong walang kahulugan

'Wag hahayaang magaya sa iba
Kawalang-sala

Halika na't tuklasin ang mundong puno ng isip-hangin
Halika na't tuklasin ang mundong puno ng isip-hangin

Bata, napa'no ka? Duguan, luhaan, nasaktan
Sugatan ang kamay, 'di alam ang gagawin
Pwede bang magpalaya ka ng mga takot sa iyong isip
Na pilit dinidikit ng kamatayan? Oh, 'di ka nag-iisa

'Wag hahayaang magaya sa iba
Kawalang-sala

Halika na't tuklasin ang mundong puno ng isip-hangin
Halika na't tuklasin ang mundong puno ng isip-hangin
Halika na't tuklasin ang mundong puno ng isip-hangin
Halika na't tuklasin ang mundong puno ng isip-hangin

Sa munting palaruan, ang bata ay tumatanda
Nadadapa, nangangapa, nananatiling mag-isa
Ang iyong tanging panalangin, 'di mawawala

Bata, dahan-dahan
Bata, dahan-dahan
Bata, dahan-dahan
Bata, dahan-dahan

Bata, dahan-dahan, bata, dahan-dahan
Bata, dahan-dahan, bata, bata
Bata, dahan-dahan, bata, dahan-dahan
Bata, dahan-dahan, bata, bata

'Wag hahayaang magaya sa iba



Credits
Writer(s): Blaster Mitchelle Silonga, Daniel Zildjian G. Benitez, Gabriel De Castro Christian
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link