Tahanan

Tahan na, mahal
Bulong mo lang sa hangin
Sandal ka lang sa akin
Kung nasasakal
Sa hagupit ng mga bakit
At mundong mong mapanakit

Tahan na, tahan na
Tahanan mo ang yakap ko
Tahan na, tahan na
Punasan na ang mga luha

Tandaan, mahal
Na sa bawat panalangin
May sagot na para sa 'tin
Ang Maykapal
Kaya't huwag nang mabahala
Sa bukas magtiwala
Nandito lang ako

Tahan na, tahan na
Tahanan mo ang yakap ko
Tahan na, tahan na
Punasan na ang mga luha

Kasabay sa hirap at tagumpay
Handa akong maghintay
Huwag ka lang malungkot
Dumilim man ang mga bituin
Magbago man ang ikot ng mundo

Tahan na, tahan na, mahal
Tahanan mo ang yakap ko
Mmm-whoa, mmm-whoa
Kaya natin 'to, mahal, pangako



Credits
Writer(s): Titus John Monterde
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link