Daan

Sandali, 'wag kang mag madali
Subukan mong limutin ang problema't palitan ng ngiti
Teka lang, 'wag kang umiyak masdan mo ang paligid na puno ng ligaya't pag asa

'Wag mong minamadali ang panahon oras mo'y papalapit sa 'yo

Masdan mo ang liwanag ng buwan kislap ng bituwin sa tuwing madilim
At bukas sisikat din ang araw 'wag lang bibitaw at iyong matatanaw ang daan

Tignan mo ang mundo, paulit-ulit lang ang eksenang nagaganap
Na sa 'yo ang takbo ng magiging istorya ng buhay mo
Umiikot ang mundo, oras mo'y papalapit sa 'yo

Masdan mo ang liwanag ng buwan kislap ng bituwin sa tuwing madilim
At bukas sisikat din ang araw 'wag lang bibitaw at iyong matatanaw ang daan

Masdan mo ang liwanag ng buwan kislap ng bituwin sa tuwing madilim
At bukas sisikat din ang araw 'wag lang bibitaw at iyong matatanaw ang daan, ooh
Iyong matatanaw ang daan, ang daan, ang daan
Iyong matatanaw ang daan



Credits
Writer(s): Ronaldson Santos
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link