Di Ko Na Alam

Nagising na parang
Katatapos na agad ng aking araw
Ngunit mas may nais pang mahangad
Na pagbabago
Sa sistema kong paulit-ulit
Pag humaharap sa salamin
Parang binagsakan ng langit at
Nasambit na p*ta
Ang pangit pangit ko
Lintik na tigyawat sa ilong
At timbang na pitumpung kilo
Ngunit mas mabigat na pasanin ang aking mga hangarin
Yung pangarap sa entabladong muntik nang tangayin ng hangin
Dahil
Sa magulo ang isip ko
Araw-araw kalaro
Cara y Cruz sa demonyo nang-eenganyo
Naghihintay lang na lumapag sa tao
At kung sa krus man pumatak ipako nyo na'kong solido uh
Sa ngalan ng aking Ama,
Diyos ko 'di ko na ata kaya
Tuluyan nang nawalan ng pag-asa
Pinilit ko naman lahat
Pinilit na maging tapat
Siya na nga lang ang lahat
Kinuha N'yo pa sakin ng sagad
'Di ko na alam
Ang hirap mabuhay
S'ya lang ang aking buhay
Pasensya na kung kaiba man sa inyong panlasa
Ang nais ko lang naman ay tuluyan mo nang mabasa
Na
Hindi lahat ng araw ko'y pabor sa pilak at ginto
Halos palagi pang pinagsasaraduhan ng pinto
Ang hirap lang bumangon at maghintay sa himala
Ang bagal ng bawat araw at palala ng palala
Palayo ng palayo sa kinatatayuan
Nung dati hawak ang kamay
Ngayo'y tinatanaw na lang
Pasensya kana 'di ko na namalayan
Inulit lang ang aking mga kasalanan
Sa pagkakataong ito'y hinanda ang aking sarili
Nasambit na lang mag-ingat ka palagi at
'Di ko masisisi kung iiwanan mo ako
Sino nga namang babae ang pabor sa ganito
Hanggang sa huling pagkikita
Pinangakong mas uuna para sa'yo

Sorry

Ikaw lang ang aking buhay



Credits
Writer(s): Emmanuel Sambayan
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link