Bakit Ba Ikaw (Female Version)

Mula nang aking masilayan
Tinataglay mong katangian
'Di na maawat ang pusong sayo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa

Oh, whoa

Masaya ka ba 'pag s'ya ang kasama?
'Di mo na ba ako naaalala?
Mukha mo ay bakit 'di ko malimot-limot pa?
Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa, ah

Sa pag-ibig mo na may nagmamay-ari na
Nais ko lang malaman mo na minamahal kita

Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na
Sanay hayaan mong ibigin kita
Maghihintay pa rin at aasa, oh, whoa



Credits
Writer(s): Vehnee Saturno
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link