Dikit

Minsan na nga lang tayong magkikita-kita
Hindi ka lang kumikibo
Minsan na nga lang tayong magsasama-sama
Ngunit ika'y nagbago
Sinayang mo ang panahon noong masaya pa tayo
Kaya lagi ka lang lumalayo
Tila may nakasaksak na mahirap tanggalin
Nakakasakit ng damdamin

Ating ipunin ang nakakalat na katiting
Nang walang anumang kapalit
Magkapit-bisig tayo na singtibay ng dingding
Doon tayo magkakadikit

Hindi naman masamang humingi ng tulong
Basta nandito lang kami para sa'yo
Ang mga bundok at burol ay kailangang isulong
Nang kayo'y hindi na muling mabibigo

Ating ipunin ang nakakalat na katiting
Nang walang anumang kapalit
Magkapit-bisig tayo na singtibay ng dingding
Doon tayo magkakadikit

Wala na, wala na, wala nang aatras
Wala na, wala na, wala nang susuko
Kailangan, kailangan, kailangang maging malakas
Kakapit lang, kakapit lang, kakapit hanggang sa dulo

Ating ipunin ang nakakalat na katiting
Nang walang anumang kapalit
Magkapit-bisig tayo na singtibay ng dingding
Doon tayo magkakadikit

(Minsan na nga lang tayong magkikita-kita)
Doon magkakadikit
(Minsan na nga lang tayong magsasama-sama)
Doon magkakadikit
(Minsan na nga lang tayong nakipagkwentuhan)
Doon magkakadikit
(Muli nating buuin ang magandang samahan)
Tayo'y magkakadikit



Credits
Writer(s): Julius Mani
Lyrics powered by www.musixmatch.com

Link